Valentines Blues
Wednesday, February 14th, 2007
It’s valentines day once again and I’m wearing black.
Umuwi ako ng maaga from work kahit may program sa office. Take note, may dating game sa amin now with matching free iced tea (Nestle yun ha). Hmmm…. I went straight to SM and spent my day alone. I ate one special asado siopao from Hen Lin and bought a BIG Menjie chocolate, I don’t need a man to buy me one. Kung mura lang sana ang bouquet of tulips and white roses (mga favorite kong flowers) siguro bumili din ako at ginaya ang mga babaeng rumarampa ngayon sa mall na may hawak na bulaklak. Bago ako pumasok dito sa internet cafe na ito, may nakasabay akong high school student na may dalang mga bulaklak, mukhang mamahalin yung dala niya… life can be so unfair…. (halata bang bitter? hehehe..)
May free packed merienda from KFC para sa mga matatagal nang empleyado ng PIA dahil provided yun ng Union of workers doon. Unfortunately, hindi ako member noon kaya wala ding silbi kung nag-stay ako dahil gugutumin lang ako sa kakatingin sa kanila. Pero masaya sanang makipagtawanan habang nahihilo yung searcher sa pamimili ng makaka-date nya. Kaso yung kasabay kong umuwi, inaantok na. (understandable naman dahil 5am ang pasok namin) ayoko namang maglakad papunta sa sakayan nang nag-iisa kaya sumabay na rin ako.. ano na kaya nangyayari sa program ngayon? 3:50pm na kaya malamang tapos na yun. May kasama ako sa unit na isa sa mga searchee, sana siya yung manalo..sana next year ako na yung searcher…
Sa lahat ng mga kaibigan kong malungkot din ang Feb 14, huwag kayong mag-alala… each of us has his/her own turn to rule the world.. tsaka we really don’t need anyone para maging masaya sa araw na to. Ako, masaya kahit nag-iisa. Kahit sandali lang kasi nakita ko yung taong nagpapaganda ng mundo ko (kahit di niya alam)… Sana bukas, makita ko ulit siya.. Sana sa susunod na taon alam na niya…
Happy V-DAY to everyone ! Remember to love until it hurts (ngek, corny!)
